006...

Friday, August 31, 2012





Today is August 31. Last day na ng buwan. Bukas, September na (obviously :D).

Ang bilis ng panahon. Apat na buwan nalang at matatapos na ang taong 2012. Its not that I'm rushing it, pero pakiramdam ko, wala akong nagawang matino ngayong taong ito. 

Tignan mo nga at ngayon ko lang ulit na-update itong blog ko? *sigh*

Before, I always looking forward to 'ber' months. Kapag kasi sumasapit na ang september, pakiramdam ko mas lalong bumibilis ang panahon. Magugulat nalang ako, magbibigay na ng bonus ang boss ko dahil magpapasko na.

Ngayon, hindi ko alam. Para akong walang gana. Marahil ay dahil sa mga nangyari sa akin nitong nakaraan. Hanggang ngayon kasi, nasasaktan pa rin ako eh. :D

Well... Malay naman natin, magbago pa itong 'current state' ko. 'Ber' months pa rin ang pinakamasaya, sa pananaw ko. 

Siyempre, DECEMBER ako ipinanganak eh. :)

0 comments:

Post a Comment

 
a heart-filled harmony © 2011 | Designed by RumahDijual, in collaboration with Online Casino, Uncharted 3 and MW3 Forum